Kahandaan ng LGU Asingan sa Lindol, Sinubok sa Earthquake Drill
Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa isinagawang Third Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon, Huwebes, September 26, 2024.
Sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Municipal Health Office (MHO) ay isinagawa ang Duck, Cover, Hold na sinundan ng evacuation exercise o paglikas sa malapit na open areas ng munisipyo.
Pinakita ng mga miyembro Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) ang mga kanilang kakayanan at kahandaan pagdating sa pagbibigay ng paunang lunas at paga-asikaso sa pagsagip sa mga tila nasugatang estudyante o empleyado hanggang sa mai-transport ang mga ito sa ospital gamit ang kanilang mga rescue equipment sa ginanap na aktibidad.
Nagkaroon rin ng Fire Extinguisher Demonstration at lecture ang BFP, kung saan ang mga kawani ay tinuruan kung paano patayin ang sunog gamit ang extinguishers.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)