Ngayong araw ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang Nationwide Kick-Off Ceremony ng Automated Counting Machine (ACM) Roadshow na gagamitin para sa 2025 Election.
Ang layunin ng nasabing roadshow ay personal na maipakita at masusubukan ng mga botante ang wastong paggamit ng makabagong makina sa pagboto.
Natanggap na ng ahensya nitong Miyerkules ang huling batch ng ACMs mula sa Miru Systems, ang South Korea-based automated elections system provider na nakakuha ng kontrata para sa midterm polls sa susunod na taon.
Nasa 112,620 ACM ang gagamitin para sa halalan sa Mayo 2025.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)