Isang PWD ng Asingan, gumagawa ng libreng PPEs para sa frontliners
“Kasi sabi nila pag tumulong ka sa kapwa po ng taos puso mas maganda kaysa yung wala ka naman maitutulong puro ka reklamo, tumulong ka na lang” ito ang naging pahayag sa isang panayam kay Samuel Villoria, ang Presidente ng Pederasyon ng PWDs sa bayan ng Asingan.
Si Villoria ay naging PWD matapos siyang maaksidente na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang kanan na paa.
Sa loob ng tatlong buwang libreng serbisyo ni Villario ay nakagawa na siya ng walumpong piraso ng Personal Protective Equipments o PPEs para gamitin ng frontliners.
Ang magandang proyekto at mga materyales ay galing kay Bise Mayor Heidee Chua. “Tumawag siya sa akin kasi alam niya na marunong ako manahi, mananahi kasi ako ng uniform kaya sabi niya sa akin kung pwede ako manahi” dagdag ni Villoria.
Kada araw ay halos walong piraso ang natatahi ni Villoria, sa tulong na rin ng Evolution Garment na pag-aari ng kababayang taga London na si Nieves Pascua Bates.
Higit isang daang facemask na rin ang nagawa ni Villoria na kaniyang ibinigay sa frontliners gaya ng mga nasa RHU, PNP at barangay.
Si konsehal AIra GChua naman ang naghanap ng materyales gaya ng tatlong rolyo na tela, sinulid,garter at zipper para sa paggawa ng PPEs.
“Tumulong ka na lang, para we are the part of the solution at hindi part of the problem, kaya naisipan ko na lang tumuong kaysa yung magreklamo” saad ni Villoria.
? JC Aying ? Akosi MarsRavelos
Leomas Salcedo