Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Ika-Anim na Seal of Good Local Governance, Target na Masungkit ng LGU Asingan

Sep
22,
2024
Comments Off on Ika-Anim na Seal of Good Local Governance, Target na Masungkit ng LGU Asingan
Ika-Anim na Seal of Good Local Governance, Target na Masungkit ng LGU Asingan Ngayong Taon
Isinagawa kahapon September 18 ang 2024 Seal of Good Local Governance National Validation sa Municipal Conference Room.
Pinangunahan ito ni LGOO II Denise Ann Reselloza, ang SGLG Alternative Province Focal Person ng DILG-Quezon Province.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua at ng mga municipal officials, department heads, uniformed personnel, barangay officials, at civil society organizations ang team na magsasagawa ng assessment at kanilang ibinahagi ang mga proyekto at inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng epektibo at mahusay na pamamahala sa bayan.
Layunin ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Validation na kilalanin at bigyang parangal ang mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng tapat, mahusay, at mabuting pamamahala.
Ito ay iginagawad sa mga local government unit na matagumpay na nagpapatupad ng mga programa at serbisyong nagtataguyod ng transparency, accountability, at mataas na antas ng serbisyong publiko para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top