Ika-50 Anibersaryo ng ‘Samahang Nayon’m Idinaan sa pamimigay ng Grocery items sa mga Nangangailangan
Kahapon ipinagdiwang ng Bantog Samahang Nayon Cooperative ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng “Samahang Nayon”.
Ayon kay Rolly Mateo Sr, Chairman ng Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative, nagsimula ang grupo taong 1973 na may 28 kasapi lamang na ang ikinabubuhay ay ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay at mais.
“Kung wala naman yung Samahang Nayon noon malamang mahihirapan kaming mag simula. Kaya yun po, para hindi na po kami mag-create pa ng ibang pangalan tinuloy na lang po namin yung Samahang nayon,” kwento ni Mateo Sr.
Kasabay ng selebrayon, ang Samahang Nayon ay nagbigay ng 160 piraso ng grocery item para sa kapus-palad na hindi miyembro ng samahan.
Sa mensahe naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ay ibinalita nito na malapit na magkaroon ng sariling pagawaan ng lata ang bayan upang doon ilagay ang produktong gatas ng kalabaw.
Dagdag pa dito ang paghiling ng alkalde kasama ang Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Heidee Chua ang karagdagang kalabaw mula sa opisina ni Senador Cynthia Villar.
Maliban dito, magkakaroon na rin ng sementadong kalsada sa baba ng FVR bridge na nagkakahalaga ng limang milyong piso na hihilingin naman sa opisina ni Secretary Conrad Estrella III ng Department of Agrarian Reform (DAR).