HYBRID PAPAYA NA KAYANG MAMUNGA NG HANGGANG 300 KILOS KADA TAON, LIBRENG IPINAMAHAGI NG DA ASINGAN
Muling namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at ng Department of Agriculture ng libreng hybrid papaya seedlings sa mga barangay. Ito na ang ikawalong taon ng pamamahagi ng LGU at DA ng nasabing binhi.
“Itong papaya seedlings itatanim doon sa barangay nila tapos bibigyan yung mga recipient, ito’ý in support with the nutrition program of the government para mabawasan ang malnourish na mga children sa ating mga barangay”, pahayag ni Municipal Agriculturist, Ernesto Pascual.
Bukod dito ay nagsagawa rin ng Seminar tungkol sa tamang pagtatanim, pangangalaga at pag-aabono ng papaya seedling. Ayon kay Pascual, magsisimula na itong mamumunga sa loob lamang ng anim na buwan at maaaring umani ng hanggang 300 kilos ng bunga ng papaya kada taon.
“Sapay la kuma ta maimula datoy nga nasiyaat, tarikenen tayo ta datoy apo ket maysa dagiditi food supplement iti ile tayo nga Asingan. Sitno haan tayo gumatgatang ada iti maiprovide tayo apo nga prutas ken gulay kadagiti constituent tayo iti barangay”, saad ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying Rome Butuyan Bagood