Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

HIGIT 800 NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN

May
28,
2021
Comments Off on HIGIT 800 NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN

HIGIT 800 NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN

Nakatanggap na ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 828 Asinganians gamit ang Sinovac at Astra Zeneca. ito ay ayon sa inilabas na datos ng Rural Health Unit of Asingan.
kabilang sa mga nabakunahan ay si Vice Mayor Heidee Chua.
“Nakita naman na natin sobra na yung pagtaas ng mga cases.. so the only way to protect yourself aside from wearing mask at yung mga health protocols natin is to vaccinate yourself kasi alarming na talaga. Protect yourself and your loveD ones and of course para maencourage ko na rin yung ibang tao na until now hesistant pa rin sila na magpabakuna.” paliwanag ng Bise Alkalde.


Nasa 517 na health workers at 311 na senior citizen ang nabigyan na ng unang dose habang nasa 127 naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna.
“Sa ngayon nasa A2 tayo.. nasa Senior Citizen, yan na yung binabakunahan ngayon. Kaya lang ang problema ngayon kukunti yung supply kaya hindi pwedeng yung sabay sabay na marami. Ang ginawa namin, ikinocoordinate namin sa pinakapresidente ng senior, tapos icocordinate naman niya sa barangay para kung sino yung pwedeng ipadala nila.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, ang Municipal Health Officer ng Asingan.

Hinikayat ni Dr. Tomas ang mga senior citizen na samantalahin ang ibinibigay na libreng bakuna upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan laban sa coronavirus.
“Sa ating mga kababayan na senior citizen panahon na para tayo ay magpabakuna.. alam natin na ang population ng senior citizen, kayo ang pinakamadaling mahawa sa sakit na Covid 19. Atleast kung may mabakuna tayo ma-preprevent natin yung magiging severe o critical pag tayo ay nahawa” dagdag ni Dr. Tomas.
Romel Aguilar / photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top