Halos nasa 50 sasakyan ng mga MATITIGAS ANG ULO impound dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine .
Nasa labing walong trisikel at labing anim na motorsiklo ang nakumpiska nitong nakaraang linggo sa ibang ibang checkpoint na isinagawa ng PNP Asingan.
Maalalang sinuspende ang lahat ng mass at public transportation services simula noong Marso 17 ng hating gabi kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Bahagi ng ipinatutupad na social distancing ang pagbabawal sa mga motorsiklo na bumiyahe sa mga lansangan sa buong luzon na mayroong angkas. Maging ang mga pampublikong o pribadong trisikel ay pinagbabawal din.
Karamihan sa mga hinatak na motorsiklo ay dahil walang maipakitang kaukulang dokumento tulad ng official receipt (OR) at certificate of registration (CR), pati na rin expired o walang lisensya ng driver.
Isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine bunsod ng pagdami ng bilang ng kaso ng novel coronavirus sa bansa.
Pumalo na sa higit 300 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang 1 ang nadagdag na patay at 5 ang gumaling na, ayon sa Department of Health.