Halos isang bilyong konstruksyon at rehabilitasyon ng dike sa Agno River binisita ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr
Aabot sa habang apat na kilometro na proyekto na bigay ng National Goverment sa pangunguna ni Presidente Duterte sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama si 6th District Congressman Tyrone Agabas ang sa ngayon ay sinisimulan na.
Ang layon ay makakatulong upang masugpo ang pagbaha sa barangay Bantog, barangay Sanchez, barangay Cabalitian at barangay Carosucan Norte.
Maalala na ang mga lugar na ito ay binaha mula sa bagyong Ondoy at Pepeng, ang proyekto ay aabutin ng tatlong taon sa paggawa.
Makikinabang sa nasabing proyekto ang Munisipyo ng Tayug, San Manuel at Asingan.
Balak naman ni Mayor Lopez na gawing Eco-Tourism Park ang parte ng Agno River na nasa lokasyon ng Barangay Bantog.