Halos 5,000 magsasaka ng palay sa Asingan, makikinabang sa RCEF; 4,000 na kaban ng binhi nasungkit ni Lodi Mayor Carlos Lopez Jr. sa DA Region 1.
Sa pagsisimula ng tatlong araw na Rice Techinical Briefing and Seed Distribution tiniyak ng Department of Agriculture Asingan sa pangunguna ni Mr. Ernesto Pascual nasa apat na libo’t walong daan na mga magsasaka ang mabibiyayahan ng libreng binhing inbread na ipamamahagi ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice para sa 3,814 na hektarya ng lupa para sa dalawampu’t isa na barangay ng Asingan.
Sa mensahe naman ni Mayor Carlos Lopez Jr. , kanyang masayang ibinalita na mabibigyan ng nasa apat na libong kaban ng binhi ang makukuha ng lokal na pamahalaan ng Asingan mula sa Departmeng of Agriculture Region 1 sa pangunguna ni Executive Director Lucrecio R. Alviar Jr. para sa mga magsasaka ng ating bayan.
Mula sa 600 na kaban noong nakaraang taon ay halos apat na beses ang dami ng kaban na makukuha ng mga naghihingalong magsasaka ang makikinabang.
Ang Rice Techinical Briefing and Seed Distribution kapwa inorganisa ng Department of Agriculture Asingan at ng Provincial Agriculture Office.
Arya Asenso Asingan!