HALOS 1 MILYONG BIGASAN LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE REGION 1, NATANGGAP NA NG GRUPO NG MGA TRICYCLE DRIVER AT KABABAIHAN NG ASINGAN
Tumanggap ng tig-kalahating milyong halaga ng bigasan package ang Asingan Tricycle Operators & Drivers (TODA) at ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) Asingan Chapter nitong nakaraang Huwebes June 10, 2021.
“Ni-request natin sa DOLE na bigasang bayan o negosyo para sa mga registered at authentic na mga organization ng ating bayan. Sila yung na-identify mga grupo ng TODA at grupo ng KALIPI hati sila sa pondo. Ito ay initiative ng local government unit through kay Congressman Tyrone Agabas” saad ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Ang isang milyon piso ay ipinambibili ng dalawandaan at limampung (250) kaban ng Class A na bigas, dalawandaan at apatnapu’t apat (244) na kaban ng Class B na bigas na paghahatian ng dalawang grupo.
“Ti tulbek ngarud ti progreso iti negosyo tayo ditoy bigasan ket ada kadakayo, i-monitor kayo apo iti DOLE. Siak met ket subaybay met nu kasatno tayo apo nga mapapintas ti negosyo sitno mapadakel tayo dayta” pahayag ni Congressman Tyrone Agabas. “Atoy nga grant apo manen ibagak out of love isu nga ingatan po ninyo para sa susunod na henerasyon ada pay mausar da pay ket nuh ada ti pagsapulan, ada met makarga ti tiyan, ada makarga ti bulsa, iwas utang, iwas apa” paalala ni Vice Mayor Heidee Chua.
Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang Kagawaran sa walang tigil na pagtulong sa mga mamamayan ng kanilang bayan upang muling makabangon dulot ng pandemya.
“Nagpapasalamat tayo sa pamunuan ng DOLE lalong lalo na sa ating Regional Director [Nathaniel Lacambra] at sa ating Congressman na napakabilis po ng pag-facilitate ng bigasang bayan para ating mga recipient para sa ating bayang Asingan. At sa mga hindi pa po nakakuha, may pagkakataon po tayo. Puntahan niyo lang po ako sa aking opisina i-endorse ko po kayo kay Congressman Agabas patungo sa DOLE upang kayo ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puhunan sa pagnenegosyo” mensahe ni Mayor Lopez Jr.
Romel Aguilar / photo JC Aying