Groundbreaking ng Pambasang Pabahay ni President Marcos Jr. Sa Pangasinan, Isasagawa sa Bayan ng Asingan
Taon-taon, tumitindi ang problema sa paglobo ng populasyon sa Pilipinas at kaakibat nito ang problema sa pabahay. Kaya naman sa pag-upo ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. , nais nitong maipatupad ang pagpapatayo ng mahigit 6 na milyong pabahay sa ilalim ng kaniyang termino.
Dito sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang sa magiging unang benepisyaryo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa ilalim ng administrayon ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nakatakda ang groundbreaking ceremony ngayong Biyernes December 15 sa Barangay Carosucan Norte.
Sisimulan naman ang konstruksyon nito sa unang quarter ng 2024, na binubuo ng dalawang (2) four-story building at may halos 200 housing units para sa kwalipikadong mga benipesaryo.
Lubos naman ang pasasalamat ng alkalde sa Presidente, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, National Irrigation Administration, Provincial Government sa ilalim ng liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund.