Graduation postponed lang at ‘di kanselado, kaligtasan muna bago kasiyahan – DepEd
Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi kanselado kundi ipagpapaliban lamang ang graduation at iba pang end-of-school rites dahil sa COVID-19 pandemic.
“Actualy wala pa naman sinasabing wala na, kundi ngayong period ng Enhance Community Quaratine period lahat lahat katulad ng social gathering, affairs ay bawal” sabi ni Jose Venenciano, Principal IV ng Luciano Millan National High School.
Matatandaan na nauna ng inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na posibleng sa school year 2020-2021 ay magsimula ang klase sa buwan ng Hulyo o Agosto depende sa magiging resulta ng isasagawang survey. “Siguro mas mainam para sa mga parents na ganun, kasi nga ang gagawin nila ngayon Mayo at Hunyo eh mag iipon muna ng pang enroll nila to re-build their financial capability” ani ni Moises Ganir, vice president ng Private Schools District 6B.
Dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, inilunsad ang online platform na “DepEd Commons” para sa mga pampublikong guro. Sa pamamagitan nito ay maipagpagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang aralin sa kabila ng banta ng COVID-19.
“Sa lahat ng mga mag-aaral, mga estudyante meron po tayong DepEd commons na i-finorward na yung mga links sa group chat ng mga schools heads sana maibigay sa kanilang lahat para kahit nakabakayon sila pwede silang mag-aral”, mensahe naman ni Asingan District II Supervisor Rosalina Saguiped.
Samantala, kokonsultahin ang Parent-Teachers Association o PTA ng mga paaralan upang gumawa ng memorandum ng pag reschedule o pagkansela ng graduation ceremonies.
? JC Aying ? Akosi MarsRavelos
Moises Ganir Moises Ganir