Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Garden of Sacrifice ng isang Barangay sa Asingan, Wagi Bilang Model Bio-Intensive Garden ayon sa DSWD Pangasinan

Oct
12,
2023
Comments Off on Garden of Sacrifice ng isang Barangay sa Asingan, Wagi Bilang Model Bio-Intensive Garden ayon sa DSWD Pangasinan

Garden of Sacrifice ng isang Barangay sa ASingan, Wagi Bilang Model Bio-Intensive Garden ayon sa DSWD Pangasinan

Pagtatanim ng papaya, talong, upo, kamote, kalamansi at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, pato, manok, tilapia… ilan lang yan sa pinagkakaabalahan sa “garden of sacrifice” ng pitumpu’t apat (74) na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Barangay Coldit.
Bukod sa napapakinabangan ng mga 4Ps beneficiaries ang mga ani sa kanilang mga bahay, nakapagbebenta pa sila ng iba produkto mula sa mga tanim gaya ng banana chips, sukang mangga, artem at atchara.
“Unang una po gusto po namin makaroon ng fresh na ihahain sa amin mga pamilya tapos ibenibenta po namin para magkaroon po kami ng income para sa sustaining na rin po ng garden po namin tapos sa mga project namin.” kwento ni Marissa Laroya, 4ps parent leader at mentor ng grupo.
At nito lamang lunes ay nasungkit nila ang overall champion bilang Model Bio-Intensive Garden ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pangasinan ngayong taon.
“Gusto po namin kasi na ang mga 4Ps ay maging ehemplo ng mga susunod pang henerasyon. Gusto namin na alisin sa tao yung tatak na pag 4Ps ka tamad ka, hindi po ako papayag sa ganun na tatak ng 4Ps. Kaya pinipilit po naming magpursige at pakita namin sa kanila ang aming kakayahan.” dagdag ni Laroya.
Ang 1,500 square meter na ‘garden of sacrifice’ ang kakatawan sa lalawigan ng Pangasinan para sa regional search for Model Bio-Intensive Garden Gearing to Enhance and Sustain Transformation (BIGGEST) ng DSWD Region 1 Field Office.

default

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top