Kasabay ng celebration ng National Women’s month, matagumpay na naisagawa ang First Quarter Municipal Advisory Council (MAC) Meeting 2025 sa bayan ng Asingan.
Katuwang ang mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinapangunahan ni Teresa Mamalio, mga Department Heads at LGU Links, ay tinalakay ang mga programa at proyekto na isasagawa at naisagawa para sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.