Abala man sa pagtatrabaho, sinigurado pa rin ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na mabisita at makamusta ang mga miyembro ng Federation of Senior Citizen Association.
Dito ibinahagi ng alkalde ang iba’t ibang plano para sa mga senior citizen sa nalalapit na Kankanen Festivial.
Taos-pusong nagpapasalamat din si Mayor Lopez Jr. sa walang sawang pagsuporta ng kanilang sektor sa kanyang administrasyon.
Tiniyak ng alkalde na sa kanyang ikatlong termino ay higit na paiigtingin niya ang kanyang pagseserbisyo sa bayan ng Asingan.