Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ECO-FRIENDLY HOLLOW BLOCKS

Aug
13,
2021
Comments Off on ECO-FRIENDLY HOLLOW BLOCKS
ECO-FRIENDLY HOLLOW BLOCKS NA GAWA SA MGA SIRA SIRANG CERAMIC, TILES AT BASAG NA BOTE, POSIBLE GAMIT ANG ISANG MAKINARYA.
Iginawad kamakailan ng Department of Science and Technology Regional Office I (DOST-1) sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Center(PSTC)- Pangasinan Field Office ang isang Glass Pulverizer para sa Material Recovery Facility (MRF) bilang bahagi ng Solid Waste Management Plan ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
“It was awarded po kasi nagrequest ang LGU Asingan, basically it crushes glass po gaya ng mga bote, mga garapon na hindi po kinokolekta nung mga junkshop natin. Hindi nga kasi lahat narerecycle at binibili nila katulad halimbawa mga ketchup, mga bote ng alak na hindi na rerecycle, yung mga basag na pinggan,mugs, plato natin na magiging hazardous pag hindi na-dispose properly. May practice tayo na ihinuhukay siya sa lupa and it will be hazardous kung mag stay lang doon kasi hindi naman mabilis na madecompose ang mga ito.” paliwanag ni Jennifer Fernandez, Science Research Specialist ng DOST-1 PSTC- Pangasinan Field Office.
Kayang durugin ng Glass Pulverizer ang mahigit isang toneladang bote sa loob lamang ng isang oras.
At kabilang na rin sa naunang nabigyan ng makinaryang ito ang bayan ng Natividad at Basista.
“It will transform doon sa natural form niya na glass kasi actually from sand yan kaya ipupulverize, i-crucrush niya into smaller form na pwede nating gawin ulit na kapakipakinabang pa so pwede natin siyang gawing pandagdag sa ginagawang hollowblocks.” dagdag ni Fernandez.
Lubos naman ang pasasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa bagong gamit na natanggap upang mabawasan ang problema sa basura sa bayan.
“Malaking tulong yung na naibigay sa atin ng DOST sa pag eliminate ng mga bote, mga ceramics, tiles mga nasa kabahayan pwede na nilang ipabasura at doon na natin sila ipupulvorize. Nagpapasalamat tayo at sana tuloy tuloy ang kanilang assistance sa LGU kasi alam naman nila ang problema ng LGU yung manguha ng basura. Sana din tuloy tuloy nila yung pag-develop ng mga new technologies para makapagbigay ng solusyon kung paano natin ma-eliminate itong problema ng basura.” ayon sa alkalde.
Writer / Photo Romel Aguilar

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top