Nagkaloob ng P2,020,000 halaga ng Seed Capital Fund (SCF) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ilang organized livelihood associations sa bayan ng Asingan.
Ang Sustainable Livelihood Program ay isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng tulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-access sa mga capacity-building activities na may kaugnayan sa pagpapalago ng negosyo o trabaho.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)