Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

COMELEC, tumatanggap na muli ng mga nagpaparehistro

Sep
2,
2020
Comments Off on COMELEC, tumatanggap na muli ng mga nagpaparehistro

COMELEC, tumatanggap na muli ng mga nagpaparehistro
Maaga pa lang ay dinala na ni Nanay Cleodefe De Vera ang kanyang labing walong taong gulang na anak na si Darrell sa tanggapan ng Commission on Election o COMELEC upang makapagparehistro na ito at makaboto sa susunod na eleksyon.
“Gusto din niyang magparehistro di ko kasi siya nasamahan dati kasi may alaga akong baby noon” saad ni Nanay Cleodefe.
Sa ngayon ay wala pang balita tungkol sa pagpapaliban ng eleksyon para sa May 9, 2022 para sa pipiliing Pangulo ng bansa hanggang sa Mayor ng kada munisipyo.
“Until next year kung may magagawa ng ating congress at senate kung paano nila ira-ratify kasi daan pa ng cha-cha, dadaan pa ng con-con, tapos kung sakaling maaprubahan siguro magkakaroon ng plebiscite ay magvovote tayo ng yes or no or i-aamend na yung Philippine Constitution ang pwede lang ilipat congress ay ang sa barangay election” ayon kay Comelec Asingan Election Officer Leny Manangan Masaoy.
Ang tanggapan ng COMELEC ay mahigpit na ipinatutupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at pag-obserba sa social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinaiksi naman ang office hours ng COMELEC, bukas lamang ito mula Martes hanggang Sabado, Alas -8 ng umaga hanggang alas -3 ng hapon.
Para naman less hassle sa oras maari naman ma-download sa Comelec website ang registration form.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top