Walang Extension Comelec Asingan Nagpaalalang Magparehistro Pra sa 2025 Election; Botante ng ASingan Halos nasa 40K Na
Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) COMELEC Asingan hinggil sa deadline ng voters registration para sa 2025 National at Local Elections.
Ayon kay Election Officer III Lenny Manangan-Masaoy ay hanggang September 30 na lang pwedeng makapagrehistro sa Comelec. Matatandaang nito lamang Pebrero nagbukas ang voters registration.
“After ng registration kinaumagahan is filling kaagad ng COC ng mga tatakbong local candidates, October 1 to October 8 so diredirecho.” ani Election Officer III Manangan-Masaoy.
Sa pinakahuling datos ng COMELEC Asingan ay nasa 39,820 na ang bilang ng rehistradong botante sa Asingan habang nasa 1,032 naman mula sa Satellite Registration.
“Ang kahalagaan ng pagkakaroon namin ng satellite registration nagbibigay kami ng service sa barangay para sa mga botante na walang time na pumunta dito [sa opisina]. Wala pang 5 minutes tapos na kaagad ang kanilang pagpaparegister kaya napakadaling magparehistro ngayon dahil isang form na lang.” dagdag ni Election Officer III Manangan-Masaoy.
Samantala nasa Pangasinan naman sa araw ng Martes si COMELEC Commissioner George Erwin Garcia upang magdaos ng ‘Voter Education and Registration Fair at Automated Counting Machine (ACM) Demostration sa Lyceum Northwestern University sa siyudad ng Dagupan.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)
Photo Contributor: Comelec Asingan