Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Church goers, hinimok na mag-antay pa ng kunting panahon

Jun
4,
2020
Comments Off on Church goers, hinimok na mag-antay pa ng kunting panahon

Church goers, hinimok na mag-antay pa ng kunting panahon para sa pagdadaos ng misa;
Misa magkakaroon ng tatlong batches para sa iba’t ibang barangay sakaling payagan na muli
Sa ilalim ng kasalukuyang guidelines, sampung (10) tao lamang ang pinapayagan sa mga religious gatherings na nasa ilalim ng General Community Quaratine (GCQ) gaya ng Pangasinan.
“I appreciate na siyempre meron pa rin yung concern ng LGU for the safety of the community so sa akin, it’s alright na siguro hold muna yung mga church services kasi mas maganda ang epekto nito pag mas safe ang community.” pahayag ni Father Franklin Tandingan, Parish Priest ng St. Louis de Bertrand.
Bilang paghahanda, Miyerkules ng umaga ay nagsagawa na ng pagsasaayos ang parokya sakaling payagan na ang misa at iba pang sakramento ayon sa “new normal”.
“May initial meeting na kami para magkaroon talaga ng distance na yung mga church goers meron gap, sabihin hindi magkakatabi aside from yung pews. Ibig sabihin ng pews, itong niluluhuran, inuupuan ng mga tao at the same time, isa ang entrance, isa ang exit ng mga tao at sa entrance maglalagay kami ng mga tao na magdi-disenfect o maglalagay ng tinatawag na sanitizer tapos yung communion, yung mga tao hindi na aalis sa mga upuan nila kundi kami na ang lalapit so to minimize movement at to minimize also yung physical contact with our people so lahat ng ito pinaplano na namin incase na ma open na yung tinatawag na public worship.” saad ni Father Tandingan.
“Ang gagawin naming para maminimize yung tao, magdadagdag kami ng misa. Instead of two masses lang pag Sunday gagawin naming tatlo tapos yung tatlong na yun ika-cluster pa namin, yung ginawa namin halimbawa yung 6:30am yung mga malalapit na barangay ang pupunta.” dagdag pa ni Father Tandingan
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posibleng sa Hunyo 10 pa magdedesisyon ang Inter Agency Task Force (IATF) kung papayagan na ang hiling ng simbahan na pagsasagawa ng misa sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Gagawing basehan ng ilalabas na guidelines ang datos ng COVID-19 na mula sa Department of Health o DOH.
Mga Litrato ni JC Aying sa Panulat ni Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top