Children with Special Needs, Binigyan ng School Supplies ng mga Empleyado ng LGU Asingan
Hindi lang sakripisyo sa oras ang ibinibigay sa mga batang may espesyal na pangangailangan, nandyan din ang pinansyal na aspeto at ito ay pinatotohanan ng guro na si Mitus Sindayen ng Special Needs Education sa Narciso R. Ramos Elementary School.
“Hindi talaga lahat ng andito sa special education with disability class eh kaya talagang tustusan yung pangangailangan ng mga anak nila. Kasi knowing nga na yung mga bata ay maggagamot, kailangang mag OT (occupational therapy) or speech therapy nga ganun. So siyempre yung mga parent din kung pwede mas priority nila gamitin na lang muna yung kung ano man ang meron sila para sa ganun services,” pahayag ni Teacher Sindayen.
Kaya naman, ngayong araw ay personal na nagbigay ng school supplies ang mga miyembro ng Asingan Municipal Employees Association o AMEA.
Nasa 30 learners with disability ang nahandugan ng libreng kagamitang pang-eskwela gaya ng notebook, papel, lapis, krayola, sabon, bimpo, eraser at alcohol.
Ayon sa Bureau of Learning Delivery ng DepEd, nito lamang 2020 ay umabot na sa 231,631 ang bilang ng learners with disabilities na nag-aaral sa 7,992 na paraalan sa bansa.