BARANGAY SAN VICENTE EAST AT BARANGAY CALEPAAN, NAKATANGGAP NG BAGONG 4 WHEEL MULTI-PURPOSE VEHICLE MULA SA LGU ASINGAN
Upang mapahusay pa ang serbisyo publiko ng mga opisyales ng mga Barangay sa kanilang nasasakupan ay nagkaloob ng dalawang bagong multi purpose vehicle ang lokal na pamahalaan ng Asingan ngayong umaga.
“Next year expected po na may dose (12) po uli na maibibigay para atleast mapaganda natin yung equipment sa barangay at maagapan kaagad yung kakulangan sa serbisyo lalong lalo na sa mga pagtakbo ng mga pasyente. Kung talagang emergency case na, yan ang gamitin nila at yung common na kailangan ng mga service sa barangay may magagamit sila. ” ani ni kay Mayor Carlos Lopez Jr.
Kabilang sa nabigyan ay ang Barangay San Vicente East na pinamumunuan ng seven (7) term Punong Barangay na si Romeo Romatan.
“Talagang nakita ni Mayor noong namasyal sa barangay Hall na yung service na nandoon hindi na pwede, kaya’t yan yung sinabi ko na isang problema ng barangay. Kaya sinabi naman ni Mayor noon na baam Uncle ta gumatang tayo iti serbis yu idtoy barangay.” kwento ni Romatan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Lalyn Fernandez ng Barangay Calepaan sa kaginhawaang ibibigay nito sa kanilang mga residente.
“Maraming maraming salamat sa LGU lalong lalo na sa ating mahal na Mayor Carlos Lopez Jr. na grant yung hiling namin sa kanya napakalaking tulong sa amin yan lalong lalo na sa mga constituent namin pati na rin sa bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua ” saad ni Fernandez.
Ayon naman kay Vice Mayor Heidee Chua sa pamamagitan ng pagkakaisa ay matututukan ang pangangailangan ng mga residente ng Asingan.
“Nakita niyo naman na kung magkasama talaga yung executive at legislative, tuloy tuloy yung magandang serbisyo so lahat yan vision namin ni Mayor na mabigyan bawat barangay. Kasi hirap sila eh pagsinabi mo kasing multi purpose pwede mong gamitin papuntang Lingayen [kapitolyo] for emergency or pwede mo gamitin for public purpose only for the general welfare”. mensahe ni Vice Mayor Chua
Dumalo rin sa naturang okasyon sina Konsehal Marivic Robeniol, Konsehal Jesus Pico, Konsehal Melchor Cardinez at Konsehal Joselito Viray.
Romel Aguilar / Photo JC Aying Rome Butuyan Bagood