BILANG NG SENIOR CITIZENS NA NAGKA-COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN, TUMAAS
Base sa tala ng Rural Health Unit ng Asingan ngayong araw May 12, 2 senior citizen ang naitalang bagong kaso ng coronavirus.
Si Patient No. 143 ay 84-anyos na lalaki mula sa Barangay Dupac. Siya ay may travel history sa Siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang nagpapagaling sa Urdaneta Sacred Heart Hospital.
Si Patient No. 144 naman ay 73-anyos na babae mula sa Barangay Bantog. Siya ay may travel history sa Siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang nagpapagaling din sa Urdaneta Sacred Heart Hospital.
Sa kabuoan, 11 sa 26 na kaso ng Covid-19 na naitala sa Asingan ay mga senior citizen.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan.