Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bayan ni Dating Pangulong FVR, Municipal Drug Cleared Na

Aug
24,
2023
Comments Off on Bayan ni Dating Pangulong FVR, Municipal Drug Cleared Na

Bayan ni Dating Pangulong FVR, Municipal Drug Cleared Na; Mayor Lopez Jr. at Mga Otoridad, nagbabala sa mga Drug Users at Pushers

Pormal nang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 ang Asingan bilang drug cleared municipality.
Ito ay matapos pumasa sa isinigawang Barangay Drug Clearing Deliberation ng Regional Oversight Committee ng ahensiya nitong August 22, 2023 sa People’s Hall, Municipal Building, San Juan, La Union.
Sa pagpupulong ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay muling ipinaalala ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga opisyales ng barangay ang kanilang malaking kontribusyon sa pagsugpo sa ilegal na droga sa pamayanan.
“Huwag po tayong mag kumpyansa dahil ang barangay ninyo is already declared drug cleared, di ba sabi ko sa inyo mas malaki pa yung hamon ngayon dahil tayo ay nabigyan ng pagkakataon. Huwag natin hahayaan makapag deploy na naman ang mga punyetang mga yan,” saad ng alkalde.
Bukod dito ay inatasan ni Mayor Lopez Jr. ang mga opisyales ng mga barangay na maging mapagmatiyag lalo na sa mga bagong salta sa kanilang nasasakupan.
Enero ng taong kasalukuyan nang ideklara ng PDEA Pangasinan na 100% drug-cleared na ang lahat ng mga barangay sa bayan ng Asingan.
Samantala, hinikayat ni PMaj. Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan ang mga barangay offiicials ng 21 barangay na makikisa sa pagsugpo ng bawal na gamot.
“It’s a fair warning po sa lahat we dont want naman po na porket drug cleared na tayo we will not ooperate anymore, hindi tayo matatapos doon. Kung may mga kakilala po kayo na sa tingin niyo gumagamit at nagbebenta pa rin ang droga, parang awa niyo na po alisin niyo na sa barangay niyo kasi once na nalaman ko, identified ko – mainit ang mata ko sa kanya,” ani PMaj. Awingan.
Ang Asingan ay ang ika-26 na bayan sa Pangasinan na nadeklarang drug-cleared municipality.
Pitong bayan naman ang umaapela upang makasama na rin dito, ito ay ang mga bayan ng Agno, Bautista, Binalonan, Bolinao, San Fabian, San Nicolas at Umingan.
Dumalo sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Deliberation sina Dr. Jesus Cardinez, Focal Person ng MADAC at Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top