Bayan ng Asingan Pangasinan, nanatiling Measles o Tigdas FREE!
Bakuna kontra Tigdas mas Pinalakas!
Muling nagpaalala ang RHU Asingan sa pangunguna ni Doctor Ronnie Tomas sa mga nanay na huwag nang paabutin na makarating sa komplikasyon ang sakit ng mga bata dahil ang measles complication ay ikinamamatay tulad ng pneumonia.
Kahit sino ay maaaring maapektuhan nito, BATA man o MATANDA, pero pinakamataas ang risk sa mga BATANG hindi pa napapabakunahan.
Ang sintomas ng measles ay nag-uumpisa sa ilong o lalamunan ng isang tao. Kapag dumami ito, lalaki ang tiyansa para kumalat sa ibang tao sa pamamagitan ng bodily fluids. Kapag umubo, bumahing, o nagsalita ang isang taong may karamdaman o virus, pwede itong malanghap ng ibang tao at magkaka-impeksyon rin sila. Maliban diyan, pwede ring makuha ang virus kung hahawakan ang bibig, mata o ilong matapos magkaroon ng contact sa isang infected surface.
Sa kabuuan, tumatagal ang impeksyon ng dalawa hanggang tatlong linggo. Pero ang panahon kung saan pinaka-nakakahawa ito ay apat na araw bago lumabas ang measles rash, hanggang apat na araw matapos nitong lumabas.
Kung nagkaroon ng exposure ang anak sa measles, o kung nagkaroon siya ng rashes na kaparehas ng sa sintomas ng measles, kumunsulta agad sa doktor.