BAYAN NG ASINGAN, NAITALA ANG PANG-DALAWAMPU’T DALAWANG KASO NG COVID 19; DALAWANG KABABAYAN RECOVER NA
Nadagdagang muli ng isang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bayan ng Asingan, kahapon, Nobyembre 15.
Ang pasyente ay 21-anyos na babae mula sa Barangay Baro. Siya ay may history of travel sa Rosales at Lingayen. Kasalukuyan siyang naka home quarantine.
“Sa ating bayang Asingan, nadagdagan na naman kahapon ng isa yun yung anak ng taga-Baro. Kaya lang ang problema natin ngayon yung tatay niya naka-admit sa Eastern Pangasinan District Hospital pero may sign and symptoms ng difficulty of breathing kaya nilipat doon sa higher facility sa Dagupan para anytime na magkaproblema, andun yung mga ventilator.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, ang Municipal Health Officer ng Asingan.
Samantala, dalawa naman sa ating mga kababayan na mula sa Barangay Palaris at Barangay Calepaan ang natapos na sa 14 days mandatory quarantine. Negatibo naman ang naging resulta ng COVID-19 test sa mga natukoy na kanilang nakasalamuha.
Inaasahan naman ang paggaling ng isa pa natin kailyan mula sa barangay Bantog bago matapos ang linggo na ito.
Romel Aguilar / JC Aying