BAYAN NG ASINGAN, ISA NA LANG ANG AKTIBONG KASO NG COVID 19
Kinumpirma ngayong araw ni Dr. Ronnie Tomas, ang Municipal Health Officer ng Asingan, na “recovered” na sa COVID-19 ang dalawangpu’t limang taong gulang na lalaking essential worker mula sa Barangay Baro makatapos nitong makumpleto ang 14 days home quarantine.
Sa susunod na linggo ay inaasahan na rin ang paggaling ni Patient no. 15, upang maideklarang NO ACTIVE COVID CASE muli ang Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying