Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bayan ng Asingan, halos isang buwan ng walang kaso ng Covid 19

Aug
24,
2020
Comments Off on Bayan ng Asingan, halos isang buwan ng walang kaso ng Covid 19

Bayan ng Asingan, halos isang buwan ng walang kaso ng Covid 19; Swab Test ng BFP nagnegatibo
Halos isang buwan nang walang naitatalang kaso ng Covid 19 sa bayan ng Asingan sa tulong ng istriktong implementasyon ng panuntunan.
“Inistriktuhan natin ang pagcomply ng documents, kailangan kumpleto ang documents bago sila pupunta ng Asingan kung hindi man nakakumpleto ng documents pinapadiretso natin ng triage sa isolation area at doon sila nag ka-quarantine” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Patuloy pa rin ang pagbabantay ng COVID-19 Municipal Inter-Agency Task Force kasama ang Barangay Health Emergency Response Teams o BHERTs sa mga posibleng maging banta sa sa mga uuwing kababayan sa Asingan kabilang na ang mga OFW.
“Yung mga umuuwing OFW natin sinusundo ng ating LDRMO officer dok Jess halos napupuyat yan every now and then every hour sumusundo yan sa Urdaneta coordinated ng HR natin madam Rizalina Aying na lahat ng mga umuuwi ini-evaluate natin sila, di muna sila makakauwi ng bahay nila. Yung mga balikbayan OFW, triage muna rapid test kung nagpositive, swab test then i-evaluate kung pwede silang umuwi kung meron silang isolation area kung wala doon sila.” dagdag ng alkalde.
Samantala, nag negatibo naman sa resulta ng swab test ang nasa labing apat na personnel at dalawang job order ng bureau of fire and protection o BFP na sinagawa ng Provincial Health Office.
“Nagrequest kami kasi may utos galing sa National Headquarters na kailangan namin magpa-swab test, to assure na siyempre nagseserve kami sa public so kailangan kami dapat free from coronavirus. Siyempre di ba nagseserve kami, tapos kami pala ang carrier marami kaming mahahawaan so yun ang reason kaya pinaswab test kami.” ayon kay SFO4 Nerissa M Bruan, Municipal Fire Marshal ng Asingan.
Sa ngayon, araw araw nagsasagawa ang BFP information dissemination sa Covid 19 habang sa gabi naman ay patungkol sa curfew.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top