Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Batang isang taong gulang, nag negatibo sa swab test

Jun
8,
2020
Comments Off on Batang isang taong gulang, nag negatibo sa swab test

Batang isang taong gulang, nag negatibo sa swab test; Quarantine Facility ng Urdaneta City, aprub nang paglipatan kay Covid Patient number 2

Ngayong umaga, kinumpirma ni Rhoda Binay-An, Nurse III ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) kay Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas, ang negatibong resulta ng swab test kay baby boy mula sa barangay Sobol.
June 2, araw ng Martes, nang nagsagawa ng rapid test ang Rural Health Unit (RHU) ng rapid test sa pitong (7) miyembro ng pamilya na pawang nag negatibo maliban kay baby. Agad na isinailalim sa swab testing ang bata at inabisuhang ang buong pamilya na mag-home quarantine.
“Nagpasalamat ako sa Panginoong Dios na ayos na, clear naman. Sa mga taong nagpanic din dahil hindi rin naman natin masisisi sila, humihingi rin kami ng paumanhin. Talaga lang may problema lang yung bunso ko sa dugo, sinabi ko naman talaga sa kanila yun noong una.” ayon sa ama ng bata.
Samantala, minamadali nang tapusin ng Pamahalaang Lungsod ng Urdaneta ang karagdagang mga kwarto sa kanilang Quarantine Facility para sa COVID-19 PUIs at PUMs ng lungsod.
“Itong quaratine isolation facility natin, pag aari ng Mayor mismo. Pinagamit niya ‘to para if ever magkaroon tayo ng mga PUI’s na kailangan i-isolate, ito po ang gagamitin kasi kung ilalagay mo sa ibang barangay or school facilities, magkakaroon pa ng dialogue at siyempre alam mo naman yung mga barangay marami sa kanila hindi naiintindihan at sila po ay nababahala din sa kalusagan ng constituent sa barangay kaya minabuti ni Mayor na dito na lang sa property niya itayo itong isolation facility” saad ni Antonio Velicaria Jr., ang acting CDRRMO ng lungsod ng Urdaneta.
Sinundo na ngayong hapon sa Pangasinan Provincial Hospital si covid patient number 2 para pansamantalang manirahan sa quarantine facility ng lungsod.
“Actually, nag-request si Mayor Lopez na pansamantala mag re-recuperate yung patient number 2. Hindi muna uuwi sa Asingan kasi nga for the main reason na yung patient number 2 talagang confirm na taga Urdaneta. Lahat ng ID’s, including sa trabaho Urdaneta ang address niya kaya yun ang basis ni Mayor na doon muna siya magpagaling sa Urdaneta City. Pumayag naman si Mayor Julio RAMMY Parayno III na doon muna magpagaling sa City ng Urdaneta para mapagbigyan naman yung request ni Mayor Lopez kasi alam mo naman magkapitbahay ang dalawang bayan, yung cooperation siguro ang pinakaimportante doon.” Ayon kay Dr. Jesus Cardinez, ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Asingan.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top