Alinsunod sa ipinapatupad na Enhanced Quarantine sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, tayo po sa ating munisipyo ay magpapatupad sa bawat barangay ng PASS SLIP System.
Ito po ang dapat malaman patungkol sa PASS SLIP.
1. Ang Pass Slip ay ang magsisilbing authorization mo para makalabas ka sa iyong barangay upang makabili ng iyong pangangailangan tulad ng pagkain sa palengke, bibili ng gamot, pupunta sa banko, mga basic commodities at katulad nito.
2. Isa lamang na Pass Slip ang ibinibigay sa bawat Pamilya
3. Nasa edad 18 years old hanggang 59 years old lamang ang pinapayagang lumabas ng barangay gamit ang Pass Slip.
4. Ang Pass Slip ay valid lamang ng isang araw. Kapag nagamit na ito ay kailangang mag antay muli ng TATLONG ARAW upang makaalis sa kanyang barangay.
5. Ang mga Persons under Monitoring (PUM) at Persons under Investigation (PUI) ay hindi mabibigyan ng PASS SLIP, mananatili silang naka HOME QUARANTINE.
6. HINDI PO PWEDENG KUMUHA ANG MGA SENIOR CITIZENS, MINORS, BUNTIS AT PWD ng Pass Slip maliban na lang kung usaping pang medical.
7. Pinapaalala din simula ngayon – March 20, 2020, PANSAMATALA MUNANG IPAGBABAWAL ANG PAGGAMIT NG TRICYCLE , PRIBADO MAN o PAMPASADA sa anumang kakalsadahan ng Asingan, alinsunod sa kautusan ng DILG at PNP. Samantala pwede naman gamitin ang motorsiklo ngunit pinagbabawal ang may angkas.
8. Sa oras naman na 10AM hanggang 1PM araw araw ay magsasagawa ng tatlong oras na magdedesinfect sa ating palengke upang masiguro ang kalinisan at pagiging ligtas sa virus.
9. Para naman sa mga kababayang walang kakayahang magmaneho ng sasakyan ang ating munisipyo ay maglalaan ng gasolina sa bawat barangay upang gamitin sa mga Rescue-Ambulance Vehicles o kung wala man ay ang mga rerentahan na maghahatid at susundo sa mga ka-barangay nila na pupunta ng Bayan, Pamilihang Bayan, sa Botika o sa mga tindahan ng mga pangunahing pangangailangan o ng mga gamot at supplies. Pakiusap dapat pa rin natin ipraktis ang social distancing sa loob ng sasakyan.
10. PARA SA IBA PANG KATANUNGAN TUNGKOL SA BAGONG PAGKUHA NG PASS SLIP AY MAKIPAG UGNAYAN SA ATING MGA PUNONG BARANGAY O OPISYAL NG BARANGAY.
11. HINDI LAHAT MASASAGOT NA NI MAYOR DITO SA FACEBOOK KAYA PLEASE SA BARANGAY NA NATIN ITANONG.
12. KUNG MEDICAL EMERGENCIES NAMAN, DI NA PO KAILANGAN NG PASS SLIP MAGING ANG MGA FRONTLINERS TULAD NG PNP, DOCTOR, BFP, MGA NAGTRATRABAHO SA OSPITAL, MGA BHW, OPISYALES NG BARANGAY AT MGA KATULAD NITO.