BARANGAY BOBONAN, NAKATANGGAP NG BAGONG 4 WHEEL MULTI-PURPOSE VEHICLE MULA SA LGU ASINGAN
Tulong para mapahusay pa ang serbisyong publiko ng mga opisyales ng Barangay Bobonan sa kanilang nasasakupan ay pinagkalooban sila ng lokal na pamahalaan ng Asingan ng isang bagong 4 wheel na multi purpose vehicle ngayong umaga.
“Ito po yung request namin sa kanya [Mayor], ito yung dream project ng administrasyon na ito at barangay. Ito po yung pinakahihiling nila kahit noon pa po, so we are very thankful kay Mayor Lopez at binigyan niya po ng katuparan ang project na ito syempre po with the approval of the Sangguniang Bayan members headed by Vice Mayor Heidee Chua.” pahayag ni Punong Barangay Melody Sarmiento Repoyo.
Maliban sa may kalayuan ang lugar bago makarating ng bayan ay isa ang barangay Bobonan sa may pinakamaliit na Internal Revenue Allotment o IRA .
“Ito yung modernization program natin na bigyan din ang mga barangay ng multi-purpose vehicle nila para may magamit sila incase of emergency. May inaayos silang mga papeles, may sarili na silang mga sasakyan dahil napakahirap ng isang barangay na wala kang multi-purspose vehicle.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr
Dagdag ng alkalde na bago matapos ang kanyang termino ay mabibigyan ang mga barangay ng bagong barangay patrol vehicle.
Romel Aguilar / JC Aying