Barangay Baro, Sanchez at Cabalitian inihahanda na ang mga proyekto para sa unang quarter ng 2021
Bilang bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalan ng Asingan, sa ilalim ng Programang Arya Asenso Asingan , binisita noong nakalipas na araw lodi Mayor Carlos Lopez Jr ang mga ilalaan niyang mga proyekto na matatapos ang konstruksyon sa unang quarter ng 2021.
Unang binisita ng Punong Bayan ang Barangay hall ng Baro.
“Matagal ng hinihiling ng council ng Barangay Baro ito lalagyan natin ng multi-purpose hall para magamit ng barangay tuwing may activities sila gawin na rin evactuation center para naman may mga facility naman tayo na magagamit natin sa barangay” saad ni Mayor Lopez.
Matapos nito, nagtungo ang alkalde sa Barangay Sanchez at ipinaabot ang kaniyang mga plano upang mas lalong pagandahin ang lugar.
“Gagawa din tayo ng multi-purpose ulit para may magamit ang mga barangay lalong lalo na kung may mga bakuna may barangay assembly may mga farmers meeting meron tayong magamit na lilim at space para maging convenient ang ating mga kabarangay” buod ni Lopez.
At panghuling inispeksyon ni Mayor kasama ang Engineering Department ng munisipyo ay ang barangay
Cabalitian.
“Ito kasi noong nangangampanya ako sinabi ko sa kanila itong pinuntahan natin na area gagawin nating government center andyan yung barangay hall nila, day care center, health center at yung likod gagawin natin na evacuation center at multi-purpose hall kasi dati dati diyan sa silong ng mangga pag nagbabarangay assembly ngayon maganda yugn sistema ng barangay council nakausap nila ang deped nakuha nila yung lote na yun na dati sa dep ed yun ngayon mapapakinabangan lahat ng barangay cabalitian” panghuling mensahe ng alkalde.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying