Manual na pagbibilang, balak ibalik sa eleksyon 2022; Comelec Asingan nanawagan na magparehistro na.
Precint Mapping gustong pagsama samahin sa iisang presinto ang magkakamag anak.
Nanawagan ang Commission on Election (COMELEC) Asingan Officer Leny M. Masaoy sa mga mamamayan ng Asingan na samantalahin ang muling pagbubukas ng voters registration para sa 2022 national at local elections.
Tatagal kasi ng 20 buwan, na nagsisimula noong lunes Enero 20 ang voters registration at magtatapos hanggang Setyembre 30, 2021. Nangangahulugang may mas mahabang panahon ang mamamayan para makapag-parehistro upang makaboto sa susunod na halalan.
Samantala, isinusulong naman sa Senado ni Senadora Imee Marcos ang Chairman ng Senate Committee on Electoral Reform, ang pagdinig kung saan isa-isang inilatag ang mga opsyon sa pagbabago ng voting system sa bansa at isa nga dito ang Hybrid Election.
“Itong Hybrid system, gusto ng lahat ito at sanay tayong mga pilipino, very visual tayo eh sanay tayong binibiling at tinatara ng mga teachers sa blackboard sa presinto hindi tayo kuntento pag hindi natin nakikitang sinulat at kung may protesta yun lang ang tatakbuhan. Ang pagbibilang two ways, may TARA at saka may automated din, ang TARA ang magbibilang mag prepreavail” sabi ni Senadora Imee Marcos.
Muling pinaalaala din ng Comelec Asingan na wala silang iniissue na national ID o maging Voters ID.
Sa huling datos naman as of October 2019 ay nasa 36,567 active voters ang Asingan.
Ngayon naman buwan ng Pebrero ay sisimulan muli nila ang tinatawag na Precint Mapping na huli pang ginawa noong taong 2003 na may layong mapag isa na lang ang magkakamag-anak sa iisang presinto.
?? Akosi MarsRavelos