Bagong Truck at Multi Purpose Vehicle, Ipinamahagi ni Mayor Carlos Lopez Jr sa Barangay Dupac at Barangay Palaris
Sa inisyatibo ng matapat na paglilingkod ng administrayon ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa bayan ng Asingan, nakapagbahagi na ito ng labing walong bagong multipurpose vehicle sa iba’t ibang barangay kabilang na dito ang ipinamamagi ngayong lunes ng umaga sa barangay Palaris at barangay Dupac.
“Ito yung long time commitment natin sa lahat ng barangay na bibigyan natin sila ng kanya kanyang barangay patrol. Para makatulong sa pag maintain natin ng peace and order sa ating bayan as well as yung ating paglaban natin kontra sa ilegal na droga.” pahayag ni Mayor Lopez Jr.
Dagdag pa ng alkalde makakatulong din ang mga multipurpose vehicle pagdating mga pagresponde sa sakuna at iba pang emergencies.