Bagong PNP Regional Director, bumisita sa Asingan; Posibleng pagtaas ng crime rate sa GCQ, pinaghahandaan ng PNP Pangasinan
Nag-courtesy call ngayong araw ang Bagong Director ng Philippine National Police (PNP) Office Region 1 (PRO-1) na si Police Brig. Gen. Rodolfo Santos Azurin Jr. kay lodi Mayor Carlos Lopez Jr. sa bayan ng Asingan.
“Nandidito ako, first of all to inspect yung ating kapulisan. Makita natin yung kanilang building kung maayos naman, makausap natin yung hepe ng ating kapulisan at mga tao nila. Purposely i-discuss natin sa kanila kung paano pa natin mapapaganda ang serbisyo natin sa taong bayan.” pahayag ni Azurin.
Sa pakikipag-usap ni Azurin kay Mayor Lopez, pinuri ng alkalde ang lahat ng naging mga accomplishment ng PNP Asingan.
“Maganda ang performance ng ating PNP. Maayos yung leadership ng ating Chief of Police at maganda yung pinapakitang performance ng ating kapulisan at hiningi ko na rin yung pagkakataon na makapag-request ako ng dagdag na pwersa ng kapulisan.” saad ng alkalde.
Samantala, nagpaalala ang PNP Pangasinan sa maaring bahagyang pagtaas ng mga krimen lalo na ngayong nasa ilalim na ng General Community Quarantine o GCQ ang probinsya.
“Patuloy natin papatatagin yung ating security at anti-crime effort sapagkat alam natin sa pagpasok ng GCQ, dumami ang nagbukas na business establishment, mas maraming taong pinayagang lumabas at dahil diyan nagkaroon na naman ng opportunity o pagkakataon yung mga criminal elements. So ngayon, dalawa na yung focus natin, kung noong una nakafocus lang tayo sa paglaban sa Covid, ngayon eh balik tayo naman tayo sa anti-crime effort natin na ginagawa.” ayon kay Pangasinan Police Director Colonel Redrico Maranan.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying