BAGONG PASILIDAD PARA SA FREE RANGE CHICKEN SA BAYAN NG ASINGAN, PORMAL NG BINUKSAN; 3,000 PIRASO NA MANOK, TARGET MAKOLEKTA SA UNANG TAON
Pormal na pinasinayaan at itinurn over sa Nagkaisa Multi-Purpose Cooperative kahapon sa Sitio Sinapog, Barangay Dupac, Asingan ang pinakaunang free range chicken facility sa ika-anim na distrito sa ilalim ng Enhancing Innovative Family Enterprise Development (IFED) ng Department of Agriculture Region 1.
“We are very happy to turnover yung ating mga free range chickens and as part of this project. Meron na rin pong din kaming dalang incubator it’s a 260-egg capacity and we hope na for a starter ay makatulong kahit papaano para ma-start na po ninyo yung kanyang production of additional breeders’ para po sa ating mga members.” pahayag ni Dr. Maria Remedios Pajatin, Chief, Pangasinan Research & Experiment Center (PREC).
Ang free-range chicken production ay isang cost-effective at sustainable livelihood project para sa mga pamilya.
“Nakikita po natin yung unity and cooperation through this IFED project we hope na mas marami pong mabenepisyuhan at mas marami pa pong pakinabang na maihahatid po ng project na to sa pagsunod lang po ng ating protocols sa pagsunod lang po sa kanyang management ay sigurado po na mabo-boost po ang inyong income in the future para sa kanya kanyang pamilya.” dagdag ni Pajatin.
Sa ngayon ay nasa lagpas limandaan na piraso ng mga manok ang nasa pangangalaga ng Nagkaisa Multi-Purpose Cooperative. Target na makapag-produce ng hanggang tatlong libong piraso sa unang taon.
“Ang intensyon nito is to give an opportunity to every family na magiging miyembro ng Nagkaisa and after ng Nagkaisa we will share it to the community because the purpose of this one is to bring back yung mga native chickens sa bawat bahay ng mga taga rito sa Asingan.” ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr.
Romel Aguilar / JC Aying