Asingan, nakapagtala ng COVID-19 case makalipas ang isang buwan
Makalipas ang isang buwan nang ideklara na COVID active case-free ang bayan ng Asingan, ay nakapagtala kahapon ng positibong kaso ng COVID-19.
Si Patient No. 9 ay 33 taong gulang na lalaki na residente ng barangay Toboy. Kaninang umaga ay dinala na ang pasyente sa Region 1 Medical Center o R1MC Isolation Facility.
Ngayong araw ay nagsagawa ng swab testing sa pamilya ng COVID Patient 9 at sa isang barangay kagawad na natukoy na close contact ng pasyente.
Inabisuhan naman na sumailalim sa strict home quarantine ang mga nakasalumuha ng pasyente sa palengke.
“Yun na talaga ang protocol ngayon ng DOH, depende sa distancing kung more than one meter apart, kung naka facemask at yung tagal ng pag-uusap kung three minutes lang low risk siya” pahayag ni LGU-Covid Point Person Mrs. Marilou Torio.
Inaasahang lalabas ang resulta ng COVID-19 test ng mga close contact nito sa mga susunod na araw.
Pinapalalahan ang mga kababayan ukol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ilan dito ay ang palagiang pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay, pagsunod sa physical distancing, proper hygiene, cough etiquette, pagsusuot ng faceshield sa publiko at iba pa.
Kung maaari aniya ay iwasan ang madalas ng paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan at umiwas sa mga matataong lugar.
Wrier Akosi MarsRavelos Photo JC Aying