Asingan nabigyan ng bagong traktor mula sa DA Region 1; lodi Mayor Carlos Lopez Jr. nagpasalamat sa pagdinig sa pangangailangan ng mga magsasaka.
Lunes ng umaga pagkatapos ng flag ceremony ay pormal ng ipinamahagi ng Department of Agriculture Asingan sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Ernesto Pascual ang isang bagong four wheel traktor sa Bantog Samahang Nayon Multi- Purpose Cooperative mula sa Department Of Agriculture Regional Field Office Region 1.
“Yung pondo po diyan ay galing sa programang farm mechanization ito ay sa mga qualified association or cooperative basta accreditated ng DA RF01” ayon kay Pascual.
“Agyaman kami apo Mayor ta datoy nga intulong mo kanya me ket dakkel nga banag dagiti manalon, aglalo iti miyembro ti Bantog Samahang Nayon ket sapaylakuma apo mayor ta kanayonam ti pinagtulong dagitoy nga pada nga mannalon ket nam namaem apo nga dagitoy nga intolong mo kanya me agserbi dagiti umele ti Asingan” sa isang mensahe ni Rolly Mateo ang Chairman ng Bantog Samahang Nayon Multi- Purpose Cooperative.
Nagpasalamat din ang butihing Mayor Carlos Lopez Jr sa Department Of Agriculture Regional Field Office Region 1 lalo na kay Regional Executive Director Lucrecio R. Alviar Jr. sa agarang pag apruba at pagbibigay ng bagong traktor.
Farm Mechanization Project ay naglalayong padaliin at gawing mas epektibo ang trabaho ng mga magsasaka.
Arya Asenso Asingan.