Ibinahagi ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at ng Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO) sa pamumuno ni Dr. Jesus Cardinez kabilang si LDRRMO I Michael Soliven, ang loob ng evacuation center na maaring paglikasan ng mga residente sakaling magkaroon ng pagbabaha dulot ng bagyo, sunog o lindol.
Dagdag ng alkalde, bukas din ang evacuation center para sa mga kalapit na mga bayan sakaling kailanganin nito