Sa datos na inilabas ng Rural Health Unit of Asingan, may tatlo na aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Asingan.
Si Patient No. 41 ay 34-anyos na lalaki mula sa Barangay Bantog. Siya ay may travel history sa Sta. Maria, Pangasinan at kasalukuyang nagpapagaling sa Eastern Pangasinan District Hospital.
Mula naman sa Barangay Baro si Patient No. 42, 27-anyos na babae na may travel history sa Urdaneta, Asymptomatic at kasalukuyang nasa Isolation Facility.
Ang pang 43 kaso naman ay ang 26 anyos na lalaki mula sa Barangay Cabalitian, Asymptomatic ,may travel history sa San Fernando, La Union at nagpapagaling sa kanilang bahay.
Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko at pinapayuhang sundin ang minimum public health standards. Bagamat ang bayan ay nasa MGCQ, pinapaalalahanan ang publiko na lumabas lamang ng tahanan kung kinakailangan. Lubos na pag-iingat lalo na ngayon ang kailangan para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.
Romel Aguilar / JC Aying