Asingan handa na sa Undas 2019; Babaan at sakayan sa loob lamang ng Angela pinapayagan.
PLANTSADO na ang OPLAN Kaluluwa 2019 ng lokal na pamahalaan ng Asingan para sa inaasahang pagbuhos ng mga tao sa sementeryo ngayong araw ng Undas. Unang linggo pa lang ng oktubre ay nagsimula nang magpatawag si lodi Mayor Carlos Lopez Jr ng pagpupulong kasama ang iba’t ibang departamento ng gobyerno tulad ng MDRMC, PNP, BFP, POSG, NGOs at mga barangay tungkol sa seguridad at kaayusan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Patay.
Samantala pinapaalalahan ang lahat na bawal ang magbaba ng pasahero sa kahabaan ng pampublikong semeteryo. Tanging sa loob “lamang” ng Angela Valdez Ramos National High School ang pinapayagan ang pagbaba at pagsakay sa mga pasahero.
Bawal magpasok ng sasakyan sa mga sumusunod na kalye: M. Malong st. papuntang sementeryo; L. Soloria /Dupac – Poblacion papuntang M. Malong st. at Barangay Dupac papuntang M. Velasco st.
Una nang nagsagawa ng inspeksyon ang alkalde sa para masigurong malinis ang paligid ng sementeryo na walang sagabal o anumang ginagawang mga road repair.
Kasabay nito, paalala ng local government na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga baril, patalim, nakalalasing na inumin, gambling paraphernalia, maging ang loudspeakers.