LGU Asingan at Iba’t ibang Organisasyon, Lumahok sa Isang Tree Planting Activity Para sa Kalikasan
Bilang paggunita sa Arbor Day ngayong araw, nagsagawa ng tree-planting activity ang lokal na pamahalaan ng Asingan kasama ang iba’t ibang organisasyon sa Earth dike na malapit sa Agno River sa Sitio Cabaruan, Barangay Bantog.
Umabot sa mahigit dalawangdaang (200) seedlings ng fruit-bearing trees gaya ng langka, guyabano, kasoy kalamansi, bugnay, narra at mabolo ang sabay-sabay na itinamin sa isang ektaryang lupa malapit sa Material Recovery Facility ng munisipyo.
“Kaya yun ang mga itinanim natin na seedlings mga fruit bearing trees para mas mapakinabangan natin kasi kung milina at mahogany eh pinagbabawal na ng DENR yung mga yun kasi may mga characteristic ng mga tanim na yun na hindi maganda sa environment.” pahayag ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Julian Ilumin.
Umaasa naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na sa munting paraan na ito ay uusbong ang pag-asa para sa mas luntiang kinabukasan.
“Ang ginagawa natin is to protect our environment as well to protect also our dike, tagal-tagal na natin hinintay ito na magkaroon tayo ng protection lalo sa baha at sa anomang kalamidad,” pahayag ng alkalde.
Ayon pa kay Mayor Lopez Jr., ito ay bahagi ng paghahanda para sa gagawing Eco Park na magiging dagdag atraksyon sa bayan.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)