“Mga nagbebenta ng butcha wag na ninyong subukan pasukin ang Asingan” – Mayor Carlos Lopez Jr
ASF hindi nakakahawa sa tao; Pagpapakain sa mga baboy ng tirang pagkain o swill feeding ipinagbabawal na rin. Meat vendors, apektado na ang benta dahil sa ASF.
Nilinaw ni District VI Veterinarian Dra. Arcely Robeniol na walang dapat na ipangamba ang publiko laban sa African Swine Flu, na tumatama sa mga alagang baboy dahil wala naman itong banta sa kalusugan ng tao. Ito ang kanyang sinabi na katatapos lamang na Information Education Campaign on Swine Disease and Veterinary Quarantine Protocol and Food Safety nitong umaga sa Old Session Room ng Munisipyo.
Sa inilabas na executive order ni Governor Amado Espino III, Nagpatupad na ng total ban sa pagpasok ng swine/pigs sa Pangasinan mula sa sa mga kalapit na lalawigan.
Sa ngayon ay mayroon tayong labing dalawang entry point
na may chekpoints sa lalawigan na isinasagawa ang Provincial Veterinary Quarantine Officers.
Asingan walang kaso ng ASF.
Wala pa ang banta ng African swine flu (ASF) sa Pangasinan pero posible umano itong magdulot ng “malaking problema” sakaling mahawa ang suplay ng baboy ng bansa, ayon kay Dra. Robeniol.
Maaaring may ASF ang isang baboy kung mayroon itong sintomas ng lagnat, pulang pantal sa katawan, at pagdurugo ng internal organs na ikamamatay nito sa loob ng dalawa hanggang 10 araw.