SB Corner: Animnapung estudyante, napili upang bigyan ng financial assistance
Noong nakaraan linggo ay dinaos ang final screening sa mga estudyanteng nag-apply sa financial assistance ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua, kung saan animnapung estudyante ang napiling mabigyan ng P5,000 allowance kada semester.
“Nag-decide si Mayor para makatulong sa mga indigent o di kaya’y deserving student na mag-aral sa pamamagitan ng financial assistance para naman atleast makatulong makabawas sa kanilang gastusin, bale ako po yung nag-sponsor sa ordinance. ” pahayag ni Councilor Mark Eden Abella, Sanggunian Bayan Committee head on Education.
Karamihan sa mga mabibigyan ng financial assistance ay ang mga mag-aaral nan aka-enroll sa Pangasinan State University at Urdaneta City University. Walang bagsak na subject at may average na grade na 82.
“Di lang yung pipili tayo kundi may screening committee para talagang mabigyan yung mga estudyante na nangangailangan ng tulong financially at the same time andyan ang commitee na magboboost ng moral ng students na mag-aral ng mabuti.” saad ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Sa mga susunod na mga araw nakatakdang lumabas ang mapipiling mga mag aaral para sa nasabing program
Writer Akosi MarsRavelos Photo Rome Butuyan Bagood