Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ANDOK O SUPSOP KONTRA RABIES, HINDI EPEKTIBO

Mar
8,
2021
Comments Off on ANDOK O SUPSOP KONTRA RABIES, HINDI EPEKTIBO


Kinontra ng beterinaryo na si Dr. Anton Soliven ng Department of Agriculture-Asingan, ang uri ng panggagamot ng mga albularyo pati na rin paniniwalang pagpahid ng bawang sa kagat ng hayop bilang pangontra sa rabies.
“Yun pong supsop o tandok dito sa atin o sumusuma ay hindi po tama yun. Ilegal po yun sa batas kaya huwag po kayong maniniwala na yung supsop eh nakakaalis ng rabies. Kung nakagat ng aso, ang pinakamabisang gamot ay paghuhugas o pagsasabon nang mabuti upang matanggal yung laway o kung meron mang rabies. Yung bawang, hindi po totoo yun.” Pahayag ni Dr. Soliven.
Ang rabies ay isang virus na naipapasa sa tao mula sa hayop sa pamamagitan ng kagat o laway. Kung hindi naagapan ang taong nakagat ng hayop na may rabies ay possible itong masawi.
“Pagkayo ay nakagat ng aso halimbawa, ipagbigay alam niyo sa malapit na animal bite center o kay Dr. Tomas sa RHU. Pwede kayong magtungo sa kanya or sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office para bigyan kayo ng kaunting kaalaman tungkol diyan.” saad ni Dr. Soliven.
Ayon sa datos ng Provincial Health Office, kahit na may pandemya ay 9,391 pasyente ang nilapatan ng lunas sa iba’t ibang Animal Bite Treatment Center (ABTC) mula buwan ng Enero hanggang Hulyo noong nakaraang taon.
“Ang aso na may sintomas na rabies yun po ay naglalaway na, hindi na nakikilala ang may-ari, takbo na ng takbo yan, nag wa-wild na tapos hindi na kumakain, hindi na rin umiinom ng tubig and then mamamatay na yan hindi na aabutin ng ten days pag nakakagat . At kung namatay man din yung aso ninyo hindi pa rin po pwedeng sabihin na positibo yan sa rabies kaya pwede rin niyo tanggalin yung ulo ng aso ilagay sa cooler lagyan ng ice dalhin sa Regional Animal Diagnostic Laboratory dito sa Sta. Barbara, Pangasinan. Dati po binabayaran, yun ang ginawa ang DA [Department of Agriculture] winaved po yung pagbabayad na yun, sa ngayon po libre na kaya pwede ninyong dalhin yung ulo ng aso na nakakagat.” dagdag ni Dr. Soliven.
Tuwing buwan ng Marso, ipinagdiriwang sa buong bansa ang Rabies Awareness Month kaugnay nito ay nagsasagawa ng anti–rabies vaccination sa mga barangay.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top