Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN, PUMALO NA SA 32

May
16,
2021
Comments Off on AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN, PUMALO NA SA 32


AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA BAYAN NG ASINGAN, PUMALO NA SA 32
Umabot na sa 32 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Asingan, base sa tala ngayong Linggo ng Rural Health Unit of Asingan.
Si Patient No. 149 ay 19-anyos na lalakI mula sa Barangay Poblacion West. Siya ay may travel history sa Manila at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 150 ay 27-anyos na babae mula sa Barangay Ariston West. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 125 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Ang pang-151 NA kaso naman ay ang 13 anyos na binata mula sa Barangay Poblacion West. ITO ay may travel history sa Manila at kasalukuyang naka-home quarantine.
Mula sa Barangay Baro si Patient No. 152, isang 45-anyos na babae, na may travel history sa bayan ng Sta. Maria at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 153 ay 8-anyos na lalaki at ang pinakabata sa mga bagong kaso at mula din sa Barangay Baro. Na expose ito kay Covid Patient no. 152 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 154 ay 40-anyos na babae mula sa Barangay Dupac. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 139 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Sa kasalakuyan ay may 5 ang aktibong kaso sa barangay Dupac, 4 sa barangay Carosucan Norte, Tig-tatlo sa mga barangay ng Bantog, Baro at Domanpot; at tig dalawa naman Sa mga barangay ng Poblacion East, Sobol, Bobonan, Palaris, Poblacion West at Calepaan.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top