Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ABOT Kayang Kandila Para sa Undas, Inilalako ng mga PWDs

Oct
14,
2024
Comments Off on ABOT Kayang Kandila Para sa Undas, Inilalako ng mga PWDs
ABOT Kayang Kandila Para sa Undas, Inilalako ng mga PWDs sa Bayan ng Asingan
Sa nalalapit na Undas inaasahang magiging mabenta na naman ang mga kandila na bahagi na ng tradisyon ng mga pilipino para gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay.
Kaya naman abala na ang ilan sa mga miyembro ng Asingan Federation of Person’s with Disability (AFPWD) sa mano manong paggagawa ng makukulay na kandila na may ibat ibang disenyo.
“Tuwing malapit na ang fiesta ng patay yun na ang kanilang ginagawa, seasonal kasi. Pero hoping this coming year magiging continuous kasi hindi lang naman pag fiesta ng patay yung kandila.” saad ni Persons with Disability Affairs Officer (PDAO) Rose Ann Alfonso.
Ang mga naka pack na mga kandila ay mabibili lamang ng mula sa limampung piso (P50) hanggang isang daan at dalawampung piso (P120).
Bukod sa mga kandila ay dito rin nakalagay ang kanilang produkto gaya ng mango vinegar, digital printing (t-shirt, mug, stickers), boneless bangus, tinapang bangus, paso, doormat at marami pang iba.
Mabibili ang mga ito sa Sheltered Workshop for Older Persons and Persons with Disabilities na matatagpuan katabi ng Postal Office at PNP Asingan.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top