ABOT-KAYA NA PRESYO NG PUNTOD, APRUBADO NA SA SANGGUNIANG BAYAN NG ASINGAN
Sa kasalukuyang panahon maraming pinoy ang pinipiling ilagak na lang ang kanilang yumaong mahal sa buhay sa mga kolumbaryo. BUkod sa kakulangan ng espasyo sa mga pampublikong sementeryo ay mas mura ang mga ito.
Sa isinagawang virtual meeting kahapon ng mga miyembro ng Sanggunaing Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua, inaprubahan na sa pangatlong pagdinig ang paggamit sa apartment type na sementeryo.
“Yesterday naapproved na yung ordinance imposing the cost of per chamber of the newly constructed apartment type cemetery. Mura na ito kumpara sa mga ibang nagbebenta ng espasyo, mas ok ito kasi hindi lamang sa economical magiging convenient na rin sa kanila” ani ng bise alkalde.
Ayon sa Municipal Engineering Office, nasa P20, 000 ang halaga para sa mga matatanda, P10, 000 para sa mga bata, P4, 000 para sa mga sanggol at P2, 000 naman para sa colombarium.
“Isusubmit na lang ito sa Sangguniang Panlalawigan for there approval, once approve pwede na itong ma-ibenta. Within the month kasi mabilis naman ang Sangguniang Panlalawigan.” saad pa ni Vice Mayor Chua.
Nasa 300 na unit ng puntod ang pwedeng maibenta ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa mga kailyan. Paalala ni Vice Mayor Chua, hindi pwedeng ang magpareserve nito dahil ang mga puntod ay para lamang sa mga kababayan na may kasalukuyang nilalagak na patay.
“Kung meron po kayong alam na nagbebenta ng lupa na pwede natin gawing sementeryo o kagaya nitong ating apartment type na kagagawa lamang at kung interesado po kayo na tumulong sa LGU natin pwede po kayong makipag ugnayan sa akin o sa opisina ni Mayor Lopez” mensahe ni Vice Mayor Chua.
Romel Aguilar / JC Aying