Good News! Aboitiz Foundation at Pilmico mamimigay ng Bakery Set sa Bantog Samahang Nayon; DAR Secretary Castriones dadalaw bukas sa Asingan
Tiyak na may aabangan na naman na mga bagong produkto ang mga suki ng Dairy Box Asingan, mga pagkaing gawa mula sa gatas ng kalabaw ng Bantog Samahang Nayon Multipurpose Cooperative.
Maalala na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang tumulong para makakuha ang naturang kooperatiba ng Food and Drug Administration (FDA) Certification, isang pagpapatunay na kalidad ang produkto.
“Noong nabigyan po ng FDA certification ang Bantog Samahang Nayon, nakita ng Pilmico in cooperation with Aboitiz foundation na isa ito sa mga organisasyon o cooperative na pwedeng tulungan kasi number 1 certified na yung millk nila na ito ay safe for everyone so maybe they can expand it to a bakery shop using there own carabao and i heard even our Congressman Estrella is considering to put up a multi-purpose hall to serve as a coffe shop to passers-by and that is a good development. ” pahayag ni Maria Ana Francisco, Provincial Agrarian Reform Program Officer II.
Inaasahan na sa gaganaping turn over ceremony bukas ay ang pagdalo ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Secretary John Castriciones.
“Magbigay po ng seedlings agricultural production assistance to selective agrarian reform beneficiaries especially po yung mga di naka recieve ng EP/CLOA titulo na galing sa Department of Agrarian Reform at miyembro po ng mga COOP natin na sa level 1,2 & 3. From the period 2010 to 2019 nagkaroon po ng selection process kung sino po yung makakareceive and i think na this is also be supplemental help po para sa ating mga farmers because other agencies are also helping also our Agrarian Reform beneficiaries, this is part of our The PaSSOver: ARBold Move to Heal as One Deliverance of ARBs from the COVID-19 Pandemic (ARBold Move)” dagdag ni Francisco.
Writer Akosi MarsRavelos Photos JC Aying